ISLAM: ANG TUNAY NA KALIGTASAN

 

Upang ang isang tao ay magkaroon ng kaligtasan mula sa parusa ng apoy sa impiyerno, kinakailangan niyang itanim sa kanyang puso at kaisipan na wala ng ibang diyos na nararapat sambahin maliban sa isang tunay na nag-iisang diyos, Ang ALLAH. Sa Hadith ng propeta Muhammad sumankaya nawa ang kapayapaan malinaw niyang sinabi:

"Ang susi ng paraiso ay nasa pagpapahayag sa katotohanan na wala ng ibang diyos kundi ang ALLAH."

"Sinomang ang namatay na tumanggap na wala ng ibang diyos maliban sa ALLAH, katotohanang, siya ay may karapatang pumasok sa paraiso."

Muli, ating buksan ang ating isip tungo sa walang hanggang buhay sa pamamagitan ng ganap na pagsuko at pagkilala sa ating maykapal. Tanging sa islam lamang makakamtan ang tunay na kapayapaan sapagkat wala sa kinang ng salapi o antas ng kabuhayan at katanyagan ang daan ng kapayapaan kundi nasa tapat na pagsuko at pagsunod sa kalooban ng nag-iisang diyos, ang ALLAH. Ito ang mensahe ng Islam noon una pa man, ngayon, bukas at magpakailanman.