|
ANG
PAGSAMBA SA TUNAY NA DIYOS LABAN SA IDOLOTRIYA Ang
Allah, pinakadakila at maluwalhati, ay inihayag ang kanyang sarili mula sa
kanyang mga banal na kasulatan at sa pamamagitan ng mga propeta upang ang
tao ay magkaroon ng mabuti pang-unawa kung sino siya. Dahil ang kaisipan ng
taoo ay may hangganan sal kaalaman, mahirap niyang maabot ang bagay na
walang hanggan. Samakatuwid,
ang Allah dahil sa kanyang pagiging maawain, ay nagpahayag sa tao ng kanyang
katangian upang maiwasan ng tao ang pagkalito tungkol sa katangiang para sa
nilikha at katangian para sa tagapaglikha. Kapag ang katangian ng Diyos ay
ipinagkamali doon sa katangian ng isang nilikha, ang tao ay nauuwi sa
pagtanggap o pagturing sa nilikhang bagay bilang "diyos". Ang
pagturing sa isang nilikhang bagay bilang "diyos" ang siyang
kinasasangkutan at batayan ng idolotriya sa lahat ng uri o pamamaraan nito.
Sa iba't ibang relihiyon, ang mga nilikhang bagay o tao ay ipinagkamali
bilang may katangiang diyos na nakabalot sa kanilang katauhan at kasunod
nito (ang mga nilikhang bagay o tao) ang nagiging batayan ng pagsamba kahati
ng Diyos. Ang
pagsamba sa mga nilikhang bagay o tao kaysa pagsamba sa Diyos na tunay ay
tuwirang pagtalikod sa layuning kung bakit nilikha ng Diyos ang tao.
Samakatuwid, ito ay isang malaking kasalanan na walang kapatawaran. At dahil
ang layunin sa pagkakalikha sa tao ay upang sambahin ang Diyos na ating
panginoon, ibinigay niya bilang unang kautusan ang pagsamba at
pananampalataya at paniniwala sa isang Diyos. Ang
Allah ay nagbigay babala sa tao at nagsabing: Sa
iba't ibang relihiyon, ang diyos ay binigyan ng hugis o anyo at katangian sa
katauhan ng isang tao, hayop, halamanan at mga ibang bagay na likha lamang.
At dahil ang tao ay higit sa hayop o anuman, ang anyo ng tao ang madalas
ginagamit ng mga idolaters sa paglalarawan sa diyos. Kasunod nito ay ang
pagpinta, pag ukit o paghubog sa anyo ng tao bilang imahen ng diyuos na
nagtataglay ng pisikal na katangian kaalinsabay ng pagsamba sa mga ito
bilang diyos. Ang mga hindus or buddhists ay sumasamba sa di-mabilang ng
idolo na inihawig sa asyanong tao at isinasaalang-alang bilang larawan ng
diyos. Ang mga makabagong kristiyanong paniniwala na si hesus ay diyos na
nagkatawang tao, na ang tagapaglikha ay naging isang nilikha ay isang
halimbawa ng pagsamba ng tao sa isang nilikhang tao lamang. Maraming
kristiyanong pintor tulad ni Michaelangelo na nagpinta ng larawan ng diyos
bilang isang matandang europeyanong nakahubad na may mahabang puting buhok
at balbas na nakasabit sa sistine chapel sa vatican. Ang mga larawang ito
ayy itinanghal, ipinagkapuri at inilagay sa mataas na karangalan ng mga
bansang kristiyano. Sa
mga di-mabilang na katangian ng Allah, isa sa may mataas na pagpapahalaga ay
yaong tungkol sa pagsamba sa Allah laban sa pagsamba sa kanyang mga nilikha.
Ang katangiang ito ay tinatawag sa arabik na "al uloo na may pahapyaw
na salin sa kahulugang "kataas taasang diyos". Kapag ito ay
ginamit bilang katangian ng Allah, ito ay nagsasaad ng katotohanan na ang
Allah ay nasa itaas at lapgas sa kanyang mga nilikha. Siya ay hindi
nasasakol o nakapaloob sa kanyang mga nilikha o di kaya nakasanib sa anumang
bahagi ng kanyang nilikha. Sa katotohanan, ang kanyang sairili ay ganap na
nakahiwalay at kakaiba kaysa sa nilikha. Kaya sa Islam ang konseptong
"Ang Diyos ay nasa lahant ng lugar at sa lahat ng bagay" ay ganap
na tinatalikdan at hindi tinatanggap sapagkat kung ang Diyos ay nasa lahat
ng bagay at nasa lahat ng lugar, ito ang siyang daan upang ang tao ay
mahulog ng ganap sa IDOLOTRIYA. Ang mga hindus ay sumasamba sa baka,
elepante, punong-kahoy, ahas dahil sa paniniwala na ang diyos ay nasa loob
ng mga ito. Dahil sa ganitong paniniwala nila, daan-daang bagay ang kanilang
iniidolo bilang diyos. Kaya sa kanilang templo makikita ang iba't iba at
sari-saring bagay na kanilang ginawang diyos. Ganito rin naman ang kalakaran
ng mga buddhist, na nag diyos ay nasa katauhan ni buddha kaya hayagan nilang
sinasamba si buddha bilang kanilang diyos. Ang katayuan ni buddha ay siya
ring naging katayuan ni hesus sa relihiyong kristiyanismo, si hesus na
propeta ay naging diyos na nagkatawang-tao. Maging sa bibliya, walang sinabi
si hesus na siya ay diyos na dapat sambahin. Ang katotohanan marami sa
bersikulo sa bibliya ang nagpapatunay na si hesus ay sugo at propeta ng
diyos. Sa Pilipinas mayroon ding relihiyon na ang pinakaugat ng kanilang
pagsamba ay sa bayani ng bansa. O di kaya may mga relihiyosong okulto na
dahil sa kanilang bulag na paghanga sa isang presidente kanila itong
iniugnay bilang tagon may pagka-diyos. Ang diyos ay wala sa lahat ng lugar o
bagay. Siya ay nasa itaas ng lahat ng kanyang nilikha. Bagamat siya ay nasa
itaas ng kanyang nilikha, batid niya ang lahat ng lugar at bagay. At kanyang
nakikita at nalalaman ng lahat ng bagay at lugar maging ang nilalaman ng mga
bagay o lugar. Ang banal na Qur'an ay nagsabi: "Siya
ang nakaalam (ng lahat) nakatago man on nakalantad." [59:22] "Siya
ang nagmamay-ari ng anumang nasa kalangitan at kalupaan at ng nasa pagitan
ng mga ito." [20:4] "Sa
kanya ang mga susi ng mga di-nakikitang bagay." [6:59] Kaya
walang banal na kadahilanan upang siya ay maging isang nilikha. Dapat isipin
na hindi magpapakababa ang diyos ng dahil sa tao. Ang tao ang nararapat
maglakababa para sa diyos. Kumilala man ang tao sa diyos o hindi, ang diyos
ar mananatiling diyos. Ang kapangyarihan at kadakilaan ng diyos ay hindi
mababawasan. Ngunit nasa tao ang ganap na kawalan sa sandaling itakwil niya
ang diyos. Sapagkat ang parusa ay walang hanggang apoy ng impiyerno. Sa
mundong ito, dalawang bagay lamang ang pagpipilian ng tao, ang pumilalim sa
sumonod sa batas ng diyos o kaya naman ay pumailalim sa sariling kagustuhan.
At sa kabilang buhay isa sa dalawang bagay din naman ang naghihintay sa tao,
ang paraiso o kaya impiyerno. Kung
pinili ng tao ay pagpailalim sa batas ng diyos, ang kanyang huling hantungan
ar paraiso at kung ang tao ay pinili ang sariling kagustuhan, katiyakan sa
siya ay maliligaw ng landas at siya ay mapapasama. At sa kanyang pagligaw,
ang impiyerno ang isyang kanyang h uling hantungan. Kaya ang mensahe ng
Islam ay sumasagisag sa ganap na pagsuko at pagsunod sa kalooban ng diyos
upang makamtan niya ang tunay na kahulugan ng kapayapaan sa sarili at sa
kapaligiran at higit sa lahat makamtan niya ang tunay na kaligayahan sa
kabilang buhay. Ang
Islam bilang relihiyon ay nagbigay babala na umiwas sa idolotriya (ang
pagsamba sa istatwa, larawan, santo, santa, propeta, bayani, presidente, o
sa patay). Hindi angkop sa kadakilaan, kapangyarihan, kabanalan at
karunungan ng diyos na siya ay maging nilikha upang sambahin ng kapwa
nilikha. Bagamat
ang diyos ay nasa itaas ng kanyang mga nilikha. Siya ay malapit sa mga taong
mabubuti ang gawa at kumikilala sa kanya. Dinidinig niya ang kanilang
panalangin. Minamahal niya ang taong nagmamahal sa kanya at nagpapatawad ng
kasalanan sa sinumang tapat na nagsusumamo sa kanya. Ang kanyang pintuan ay
laging bukas sa lahat ng nagsisisi at nanunumbalik sa kanya. |
||