ANG PANGUNAHING KAUTUSAN NG DIYOS PARA SA SANGKATAUHAN

Sa pamamagitan ng mga propeta, ang Allah ay nagbigay ng mga kautusan para sundin ng tao. At ang pangunahing utos ng diyos ay laging binibigyang diin ng mga Propeta upang makaiwas sa pinakamabigat at malaking kasalanan.. Sa kasaysayan, may mga propetang kinilala ng sangkatauhan bilang patunay sa kautusan ng Diyos. At ang kanilang aral ay magkakapareho at walang pagkakaiba. Halimbawa:

ANG ARAL NI NOAH (alayhi salam)

Bago dumating ang malaking baha bilang parusa ng diyos sa mga nagtakwil sa kanya, si propetan noah ay nagbigay aral sa tao:

"Siya ay nagwika: O, aking mamamayan, ako ay isang malinaw at maliwanag na tagapagbabala. Na inyong dapat sambahin ang Allah, matakot sa kanya at ako ay inyong sundin." [71:2-3]

Kaya lahat ng sumunod kay propeta noah ay nagkaroon ng kaligtasan.

ANG ARAL NI ABRAHAM (alayhi salam)

Sa panahon ni propeta Abraham,ang mga tao ay gumagawa ng mga rebulto at istatwa bilang kanilang mga diyos. Bilang tapapagbigay-babala, siya ay nagsabi:

"(Ako ay sumasamba) sa kanya lamang na siyang lumikha sa akin at siyang tiyak na papatnubay sa akin." [43:27]

ANG ARAL NI MOISES (alayhi salam)

Nang si Moises ay nagtungo sa bundok sinai upang mangusap sa diyos, iniwan niya ang mga tao pansumandali at nang bumalik siya sa kinaroroonan ng mga tao, nadatnan niya na ang mga tao ay sumasamba sa baka. Kaya muli ay nagbigay siya ng babala:

"Tunay na kayo ay nagkasala sa inyong mga sarili sa pagsamba sa baka. Kaya't tumungong muli (ng may pagsisi) sa inyong tagapaglikha." [2:54]

ANG ARAL NI HESUS (alayhi salam)

Ang aral ni hesus ay katulad ng mga aral ng mga propetang nauna sa kanya tulad nina Noah, Moises, at Abraham:

"Sapagkat ang Allah ang aking panginoon at inyong panginoon. Kayat sambahin ninyo siya. Ito ang matuwid na landas." [43:63-64]

ANG ARAL NI MUHAMMAD ( sallallahu alayhi wa sallam)

Ang diyos ay nagpahayag din kay propeta Muhammad sumankanya nawa ang kapayapaan ng ganitong aral:

"Na inyong sambahin and diyos at wala ng iba. Ako ay tagapag-ala-ala at tagapagdala ng magandang balita: Magsikhay ng kapatawaran sa inyong panginoon at tumungo sa kanya sa pagsisisi." [11:2-3]