TAWHID LABAN SA DOKTRINA NG "TATLONG PERSONA SA ISANG DIYOS"

Ang konseptong "TATLONG PERSONA SA ISANG DIYOS" o itong tinatawag na "Doctrine of Trinity" ay nagsimula lamang pagkaraan ng maraming taon nang lumisan si hesus sa daigdig. Walang alinlangan, na itong konseptong ito ay hindi aral o batas ni hesus at maging sinomang propeta sa buong kasaysayan. Ang katotohanan, ang mga iniwang disipulo ni hesus ay patuloy na sumusonod sa kaisahan ng diyos hanggang taong 90 A.D. Ang paniniwala sa kaisahan ng diyos any nakasulat sa "shepherd of hermas" na naisulat sa panahong ito at isinasaalang-alang bilang banal na kapahayagan ng mga naunang kristiyano.

Nang lumaganap ang roman church doctrine yaong mga tunay na kristiyano ay pinagpapatay dahil sa hindin pagsang-auyon sa dimakatuwirang doktrine ng trinity. Sa taong 190 A.D. isa isa mga kasapi ng apostolik church na si iraneus ay lumiham kay pope viktor upang itigil ang pagpatay sa mga tunay na kristiyano. Ang katotohanan pa nito, karamihan sa kasapi ng apostolik church ay ganap na sumunod sa simpleng aral ni hesus. Bilang kasapi, si lacteneus ay sumulat noong 310 A.D. na "si hesus ay kailanman ay hindin nag sabi na siya ay diyos"

Sa taong 320 A.D., si eusebius ay nagsulat "Si hesus ay nagturo sa atin na tawagin ang kanyang ama bilang tunay na diyos at dapat sambahin." Sa kabila nag laganap na pagpatay sa mga naniniwala sa isang diyos, maraming unitarian ang matapang at matibay na inilahad ang kanilang kaisipan laban sa doktrina ng trinity.

Isa sa pangunahing unitarian na si arius ay tandisang sinabi niya kay bishop alexander ang walang katotohanang doktrina ng trinity. Pagkaraan ng ika-apat ng taon, si emperor constantino ay nagtawag ng "First general council" sa nicea na nilahukan ng 318 bishops upang ayusin ang paksang pinag-aawayan nina Arius at Alexander. Ang "council" na ito ay sumang ayon sa Doktrina ng Trinity sa pangunguna ni Athanasius ngunit si Arius at ang mga kasamahan niya ay patuloy sa pananaw at konseptong "isang diyos". Sa taong 380 A.D., si emperor theodosius ay nagtakda na ang orthodox faith (trinitarian catholic faith) ang siyang relihiyon ng kanyang kinasasakupang mamamayan. Sa taong 383 A.D., si theodosius ay nagbigay babala na parurusahan ang sinumang hindi maniwala sa doktrina ng trinity. Sa kabila nito, hindi nabuwag ang mga unitarian. Isa sa tumuligsa sa doktrina ng trinity na si Servetus (16th century) ay nagsabi na "ang pagtanggap sa doktrina ng trinity ay pagtanggap ng MARAMING DIYOS". Sa bandang huli, siya ay ikinulong at unti unting pinatay sa pamamagitan ng pagsunog sa apoy. Isa sa kanyang kasamahan ang nagsabi "ang sunugin ang isang tao ay hindi pagpapatunay ng isang doktrina."

Katotohanan, ang kasinungalingan ay hindi makatatayo laban sa lakas ng katuwiran. Pagkaraan ng anim na raang taon mula sa lumisan si hesus, ang Allah ay nagbigay ng banal na kapahayagan sa pamamagitan ni propeta muhammad, kapayapaan ay sumankaya nawa, ang banal na qur'an. Isa sa mahalagang mensahe nito ay ang pagbibigay babala sa mga taong sumasampalataya at naniniwala sa doktrina ng trinity. Ang Allah ay nagwika:

"Sila ay nang iidolo na nagsabing: Ang Allah ay isa sa tatlo sapagkat walang ibang diyos maliban sal isang diyos (Allah). Kung sila ay hindi magsipagpatigil sa mga masamang pananlitang ito, katotohanang isang kasakit-sakit na parusa ang kanilang matatamo." [5:74]

"Sila ay nagsabi: Ang Allah na pinakamapagpala ay may anak! Katotohanan, inyong sinabi ang isang nakapngingilabot na bagay! Na tila ang mga kalangitan ay handang sumabog, ang mundo ay magkabiyak-biyak at ang mga kabundukan ay magkawatak-watak dahil sa kanilang ipinamamarilang anak para sa mapagpalang diyos. Sapagkat hindi angkop sa kadakilaan ng diyos na mapagpala na siya ay magka anak." [19:88-92]

"Sila ay nagsabi: Ang Allah ay may anak. Luwalhati sa kanya. Hindi! Sa kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan; bawat bagay ay nag-aalay ng pagsamba sa kanya. Sa kanya ang simula ng mga kalangitan at kalupaan. Kung kanyang itakda ang isang bagay, siya ay magsasabi "maging" at nagyari nga." [2:116-117]