|
TAWHID
AR-RUBOOBIYAH (Allah bilang Tanging Panginoon) Ang
aspetong ito ay batay sa pundamental na konsepto na ang Allah ang tanging
nakapangyayari upang ang lahat ay magkaroon ng buhay. Siya ang
taga-pagkupkop at tagapangalaga at tagapanatili ng lahat ng nilikha. At siya
ang tanging panginoon ng sanlibutan at ng sangkatauhan na walang
makapaghahamon o makaagaw sa kanyang kapangyarihan. Sa
wikang arabik, ang salitang ginagamit upang ilarawan ang katangian ng
tagapaglikha-tagapanustos ay tinatawag na "RUBOOBIYAH" hango sa
salitang-ugat na "RABB" (panginoon). Ayon sa banal na qur'an,
dahil ang Allah ang siya lamang tunay na makapangyarihan sa buhay, Siya
lamang ang nagbigay ng lahat ng kakayahan upang gumalaw at magbago ang
lahat. Walang pangyayari sa pagkakalikha maliban kung ano ang kanyang
pinayagan o pinahintulutang mangyari. Ang batayan sa konsepto ng ruboobiyah
ay matatagpuan sa maraming talata ng Qur'an. Ang Allah ay napahayag: "Ang
Allah ang siyang lumikha sa inyong lahat at sa anumang gawa ng inyong kamay
(ng may kapahintulutan)." [37:96] "Ang
Allah ang siyang lumikha sa lahat ng bagay at sa kanya umaasa ang lahat ng
bagay." [39:62] Ang
propeta Muhammad [sumakanya nawa ang kapayapaan] ay nagpaliwanag tungkol sa
aspetong ito: "Pakaisipin
na kung ang buong sangkatauhan ay magkaipon-ipon upang ikaw ay tulungan,
kanila lamang magagawa ang isang bagay na pinahintulutan ng Allah para sa
iyo. Kautald din na kung magka-ipon ipon ang buong sankatauhan upang ikaw ay
gawaan ng masama, kanila lamang magagawa ang isang bagay na siyang
itinakdang mangyari ng Allah." Sa mga
muslim madalas sabihin ang salitang: "La hawla wala quwata ila
billah." [walang kapangyarihan at galaw maliban sa Allah] bilang pang
araw araw na panalangin sa anupamang pagkakataon. Kayat
sa loob ng mabubuting bagay sa buhay na ito, naroroon ang mga hirap na
pagsubok sa pananampalataya sa Allah. Katulad din ng mga masamang pangyayari
sa buhay, naroon ang pagsubok sa buhay no ito. Ang mga pangyayari ay sumunod
lamang sa kapalarang itinakda ng Allah. Ang Allah ay nagsabi sa banal na
Qur'an. "Katunayan!
ikaw ay Aming susubukan sa pamamagitan ng pangamba, gutom, pagkawala ng
yaman at buhay at ang mga bunga ng iyong pinagsumpikapan,kayat ito ay
nagbibigay ng magandang balita para doon sa nagtitiis." [2:155] Kayat
sa loob ng mabubuting bagay sa buhay na ito, naroroon ang mga hirap na
pagsubok sa pananampalataya sa Allah. Katulad din ng mga masamang pangyayari
s buhay, naroon ang pagsubok kung gaano katatag ang tao sa kanyang paniwala
at pananampalataya sa Allah. Kung
minsan ang pamamaraan ay madaling malaman, katulad ng umuugnay sa mga
pangyayari at kadahilanan,a t kung minsan naman ay hindi, katulad ng
pangyayaring ang mabuting ibinubunga ay nagmula sa masamang pangyayari o
dili kaya ang masamang bunga ay mabuti sa bandang huli. Ang Allah ay
nagpaliwanag na ang karunungan sa kabila ng mga masalimuot na pangyayari ay
kadalasan ay hindi mai-paliwanag o hindi ma abot ng madaliang pag iisip
dahil na rin sa limitado o may hangganang kaisipan o dunong ng tao. Ang
Allah ay nagpahayag tungkol dito: "Maaring hindi ninyo nais ang isang
bagay na makabubuti para sa inyo o nais kaya ang bagay na makasasama para sa
inyo ngunit ang Allah ang Nakaaalam [kung ano ang makabubuti sa inyo] at
hindi ninyo malalaman." [2:216] Kayat
ang mga masasamang pangyayari sa buhay ng tao kung minsan ay lumalabas na
nakabubuti sa kanya at ang mabubuting bagay na pinagnasaan ng tao ay
lumalabas na nakakasama sa kanya. Kasunod nito, ang tunay na impluwensiya ng
tao sa daloy ng mga pangyayari na siyang buod ng kanyang buhay na mga
pagpipiliang nakaharap sa kanya at hindi sa aktuwal na bunga ng kanyang
pinili. Sa madaling salita, "ang tao ay nagmumungkahi o nagsusumamo sa
Diyos at ang Diyos ang siyang nagpapasiya." Ang magandang kapalaran o
kamalasan ay parehong nagmula sa Allah at hindi nagmula sa pamamagitan ng
suwerteng pang-akit katulad ng suerteng numero, anting anting, panghuhula sa
baraha, panaginip or pangitain. |
||