|
TAWHID
AL ULOOHIYAH
(Ang
Allah ang tanging diyos na nararapat pag-ukulan ng tapat ng pagsamba) Sa
kabila ng malawak na implikasyon ng dalawang aspetong naunang ipinaliwanag,
ang katatagan ng Paniniwala na ito ay hindi sapat na makakatupad sa
Islamikong pangangailangan ng "Kaisahan ng Diyos", maliban kung
ito ay kalakip ng Tawheed al uloohiyah. Ito ay sa katotohanang maging ang
mga nang-iidolo ay nagsasabi na sila ay tumutupad sa dalawang aspetong
naunang binanggit, kaya't ang Allah ay nag-utos kay propeta Muhammad
sallallahu alayhi wa sallam: "Ipahayag:
Sino ang nagbigay ng lahat ng iyong kabuhayang nagmula sa kalangitan at
kalupaan, ang nagpanatili ng iyong paningin, ang nagbigay buahy mula sa
walang buhay at ang kamatayan mula sa may buhay, at ang nagtatag sa
pamumuhay ng tao? Silang ay nagsabi "ALLAH"...... [10:31] Kung
sila ay tanungin kung sinong lumikha sa kanila, sila ay nagsasabi
"ALLAH". Kung sila ay tanungin kung sinong nagbaba ng tubig mula
sa kalangitan, at nagbibigay buhay sa tigang na lupa, katiayakang sila ay
nagsasabi, "ALLAH". [ 43:87] Ang mga
nag iidolo ay nakababatid na ang Diyos ang kanilang tagapaglikha,
tagapanatili ng lahat ng bagay at panginoon ng lahat ng nilikha ngunit ang
kanilang karunungan ay hindi naging dahilan upang sila ay tawaging muslim
sapagkat ayon sa Allah: "Karamihan
sa kanila ay hindi tunay na naniniwala sa Allah maliban habang sila ay
nagtatambal (nag-uugnay ng ibang diyos diyosan) sa Kanya." [12:106] Ang
Allah ang lumikha, nagbigay ng kabuhayan at kamatayan, ngunit ang mga
idolaters ay patuloy sa pagsamba ng ibang diyos-diyosan na itinatambal nila
sa Tunay na Diyos. Ang Allah ay nagbigay paalala: "O,
Sangkatauhan! alalahanin mo ang pagpapalang ito ng Allah sa iyo. Mayroon pa
bang tagapaglikha maliban sa Allah, na nagkaloob sa iyo ng biyayang iyong
ikinabubuhay ng nagmula sa kalangitan at kalupaan? Wala ng ibang diyos
maliban sa Kanya. Bakit kayo lumihis sa Katotohanan?" [35:3] Ang mga
idolaters ay nagbibigay din ng kawanggawa, panalangin at iba't ibang uri ng
pagsasamba at nagsasabi rin na sila ay sumusunod sa relihiyon ni propeta
Abraham alayhi salam, kayat ang Allah ay muling nagpahayag: "Si
Abraham ay hindi Hudyo o Kristiyano bagkus isang matapat na Muslim at siya
ay hindi nagtatambal [nang-iidolo at nag-uugnay nd diyos-diyosan] sa
Allah." [3:67] Sa
kabila ng mga katuwiran ng mga Kristiyano o pagano tungkol sa paniniwala
nila sa kaisahan ng Diyos, sila ay hindi maituturing na tunay na may
paniwala sa dahilang sila ay sumasamba sa mga ginawa nilang diyos na
iniuugnay nila sa pagsasamba sa tunay na Diyos na tagapaglikha: "Sila
ay [tunay] na nang iidolo sa pagsasabing: Si Hesus, anak ni Maria ay Diyos.
Ngunit si Hesus ay nagsabi "O angkan ng Israel! sambahin ang Diyos, ang
aking panginoon at inyong panginoon" Sinoman ang nagtambal ng
diyos-diyosan sa Diyos [Allah} ang Allah ay ipagkakait ang Hardin, at ang
Apoy ang kanyang hantungan. Walang makatutulong sa mga may gawang
masama." [5:73] "Ang
Allah ay nagsabi: Huwag kayong kukuha [para sambahin] ng dalawang diyos:
sapagkat Siya ay tanging isa: samakatuwid at matakot [sumunod] sa aking [at
tanging sa aking lamang]. [16:51] Ang
pinakamahalaga sa kaisahan ng Diyos ay ang pananatili sa pagsamba sa Diyos
na tanging manlilikha at panginoon ng lahat. Ang lahat ng uri ng pagsamba ay
nararapat na iukol lamang sa Allah sapagkat siya lamang ang tanging
makapagbigay sa tao ng unumang kabutihang bunga ng tapat na pagsamba. Hindi
kailangan ng isang pang namamagitan sa tao at Diyos. Ang panalangin at
paghingi ng kapatawaran ay nararapat na nakatuon sa Allah. Ang Allah ay
nagbigay paalala sa kahalagahan ng tuwirang pagsamba at pagdasal sa Kanya sa
pamamagitan ng pagpapahayag sa tunay na dahilan o layunin kung baking ang
tao ay nilikha Niya. Ang banal na Qur'an ay nagsabi: "Hindi
ko nilikha ang mga jinns at tao maliban para ako ay sambahin." [51:56] "Katotohanan!
Aming isinugo ang isang tagapagbalita sa bawat lupain [na may lakip na
kautusan] na, sambahin ang Allah at iwasan ang huwad na diyos." [
16:36] Samakatuwid,
ang Diyos ay iginawad sa likas na bahagi ng tao ang pagsamba sa Kanya, at
siya ay nagpadala ng mga propeta at mga banal na aklat upang liwanagin ang
aspeto ng layunin ng pagkakalikha s tao na nakakintal sa kaisipan nito. At
itong layuning PAGSAMBA SA TANGING DIYOS at ang buod ng pagpapahayag sa
pamamagitan ng mga propeta ang siyang kabuuang diwa ng TAWHID AL ULOOHIYAH. |
||