TAWHID AL ASMA WAS-SIFAAT

(Allah bilang Diyos na siyang tanging nag-aangkin ng bawal na pangalan at mga katangian)

Ang pangalawang aspetong ito ay nagpapaliwanag na anumang katangian o pangalang intinatawag sa Diyos ay isang pagtawag na angkop at nararapat sa kanyang sarili at walang puwang na magbigay ng mga bagong katangian o pangalan. Ang tao ay walang karapatan at wala sa katayuan upang magbigay ng mga bagong kantangian o pangalan. Ang tao ay walang karapatan at wala sa katayuan upang magbigay ng anumang katangian o pangalang iniuukol sa Diyos na Tagapaglikha. At wala ring karapatan at kakayahang magbigay ng anupamang larawan na iuugnay sa walang hanggang panginoon.

Ang aspetong ito ay nagbibigay linaw na walang katangian o pangalan na angkop lamang sa nilikha ang maaaring itawag at iugnay sa Diyos. Halimbawa, mababasa natin sa bibliya [lumang tipan] na ang Diyos ay nag ukol ng anim na araw sa paglikha sa sanlibutan at sa ika pitong araw siya ay nagpahinga. [genesis 2:2 revised edition]. Ang tao lamang na napapagod ang nangangailangan ng pahinga.

Ngunit ang banal na qur'an, bilang huling kapayahagan ng diyos ay nagsabi na ang Diyos ay walang nadaramang kapaguran:

"Ang antok o idlip ay hindi siya ay mapanghahawakan. Ang kanyang kaharian ay abot mula sa mga kalangitan at kalupaan. Siya ay hindi nakadarama ng kapaguran sa pananatili [pangangalaga] ng mga tao ito." [2:255]

Sa ibang pahina ng bibliya ang diyos ay inilarawan bilang isang nagsisisi sa kanyang masamang kaisipan na inihahalintulad sa taong napag-iisaipan ang kanyang mga kamalian. [exodus 32:14] Ang pagsisi ay hindi isang katangian o gawain ng isang matalinong diyos sapagkat siya ang nakababatid ng lahat: Ang Qur'an ay nagsabi "Siya ang Dakila sa kapangyarihan. Ang matalino." [59:24]

"Siya ang nakakaalam [ng lahat] nakatago man o nakalantad. Siya ang Maawain, Ang Mahabigin." [59:22]

Maging sa pangalan ng Diyos, maraming relihiyon ang nagtangkang magbigay ng pangalan ng Diyos. Halimbawa,ang salitang "Jehovah" na ipinalalagay na ito ang pangalan ng Diyos. Ngunit sa katotohanan, itong salitang "Jehovah" ay hindi isang semitikong salita at kailanman ito ay hindi binigkas sa sinomang propeta. Ang "Jehovah" ay hango sa apat na letrang hebrew na YHWH. Kahit na basahin pa natin ang YHWH,ang tunog ng pagkakabigkas ay malayo sa salitang "Jehovah". Dahil lamang sa ang letrang "J" ay tanyag noong 16th century, naging laganap din ang pagsasalin ng mga semitikong salita sa Latin na wika. Kayat maging ang mga pangalan ng ibang propeta ay ginagawang "J". Halimbawa: Yusuf ginawang Joseph, Esau [yesus] ginawang Jesus. Yunus ginawang Joseph.

Ngunit sa Islam,ang pagbibigay ng pangalan na ginawa lamang ng mapaglarong isip ay ganap na tinatalikdan at hindi tinatanggap tuwiran man on hindi. Kayat anumang pangalan o katangian na hindi binabanggit ng banal na Qur'an o ni propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam ay walang puwang sa islamikong konsept ng Diyos.

Ang pinangkasusing prinsipyo na dapat sundin kung bumabanggit sa katangian ng Allah ay ipinahayag sa Qur'an:

Wala siyang katulad at siya ang Nakaririnig at Nakakakita ng lahat." [42:11]

Bagamat ang katangiang pandinig o paningin ay mula sa katnagian ng tao, kung ito ay ginagamit sa Diyos, ang mga katangiang ito ay walang paghahambing sa kabuuan o kaganapan. Ang banal na Qur'an ay nagsasalaysay tungkol sa paningin ng Diyos:

"Walang paningin ang makapaglalagos sa Kanya ngunit Kanyang napaglalagusan ang lahat ng paningin." [6:103]

Ngunit kung ang mga katangiang pandinig o paningin ay gagamitin para sa katangian ng tao, ay nangangailangan ng tenga at mata. Ang kaalaman ng tao tungkol sa Manlilikha ay yaon lamang maliit na bagay na inihayag Niya sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta. Samakatuwid, ang tao ay nararapat lamang manatili sa ilalim ng may nangganang kaalamang ito. Kung ang tao ay malaya niyang inilalarawan ang Diyos sa kanyang sariling kaisipan, siya ay mahuhulog sa kamalian sa pagbigay ng katangiang angkop lamang sa isang nilikha. Sa kanilang pagmamahal sa mga larawan, ang ibang sekta ng kristiyanismo ay nag-ukit, at nagpinta, naghugis at nag anyo ng iba't ibang larawan na tinagurian nilang imahen ng diyos (image of god). At ito ang naging daan upang tanggapin nila sa kanilang sarili na si Hesus ay Diyos. Sa bibliya [hebreo 7:1-3], si Melchisedec, hari ng Salem ay binigyan ng katangiang nauukol sa katangian ng Diyos. Si Melchisedec ay walang ama, walang ina, walang lahi o angkan at walang simula at walang wakas ang buhay. Ang Allah ay nag-utos na hindi maaring angkinin ng sinuman ang mga katangiang nauukol sa Tagapaglikha sapagkat lahat ng bagay na nilikha ay may simula at wakas. Ang Diyos ay nagpahayag sa banal na Qur'an:

"Ipahayag: Allah, Ang tanging nag iisang Diyos. Allah,ang walang hanggan, Ang walang Pangangailangan. Siya ay hindi ipinaganak at hindi nagka-anak. At sa kanya ay walang makakatulad." [112:1-4]

Ang pananatili ng kaisahan ng Allah sa kanyang mga pangalan at katangian ay hindi maaring gamitin ng sinoman maliban kung ito ay dugtungan o lagyan ng salitang ADB [na nangangahulugan ng "alipin ng" o "tagapaglingkod ng"]. Halimbawa: isang katangian ng Allah ay "Rahman" o kaya ay "Raheem", ito ay maaari lamang gamitin kung susundan at kakabitan ng "abdul" tulad ng Abdul Rahman, Abdur-Raheem at marami pang iba. Maingat na ginagamit ang mga katangian ng Allah upang ang antas ng kaganapan na nauukol lamang sa Kanya ay hindi pumantay sa antas na nauukol sa tao.