SAAN NAGMULA ANG SALITANG "ALLAH"

Ang "Allah" ay salitang arabik na may isang ganap na kahulugan- ang Tanging tunay na nag iisang Diyos na Tagapaglikha at Panginoon ng lahat. Bago pa man ipinahayag ang banal na Qur'an, ang "Allah" ay ginagamit na bilang pntanging pangngalan ng Diyos.

Karamihan sa mga di-Muslim, ipinalalagay o inaakal nila na ang "Allah" ng mga muslim ay iba kaysa sa tunay na Diyos. Kung nauunawaan lamang ng mga kristiyanong iskolar at teologo pati na ang mga pari ang kanlang mga kasulatan batay sa orihinal na Hebrew o sa wikang pinagmulan nito, maliwanang nilang matutunghayan na ang "Allah" ay siya ring lumang semetikong pangalan ng Kataastaasang Diyos na nangusap kay Adan at nagbigay pahayag sa mga propetang sina Noah, Abraham, Moises, David, Hesus at Muahmmad (Kapayapaan ay sumakanila nawa).

Sa mahabang panahon ng pagsalin salin ng mga banal na kasulatan sa iba't ibang wika ng tao, ang pangalan ng Diyos ("Allah") ay nabigyan din ng ibang katawagan ayon sa wikang ginagamit sa pagsalin nito.

Nugnit sa pananaw ng relihiyong Islam, ang mga muslim ay pinanatili ang salitang "Allah" sa maraming kadahilanan:

1] Una, ang "Allah" ay ganap na isang Diyos. Siya ay hindi maaring iugnay sa pang-maramihan. Siya ay tanging isa at walang katulad na Isa. Taliwas sa ingles na "god", it o ay maaring masangkot sa pang-maramihan. Idagdag lamang ang letrang (s) sa dulo ng "god", ito ay magiging "gods" na.

Kadalasan dahil sa pag-gamit ng ganitong kalakaran, ang tao ay nagkakaroon ng pagkakataong gumawa ng iba't ibang ktawagan sa pamamagitan ng pag gamit ng salitang "god" o "doyos" kahit hindi ito sinasadya nagagawa niyang gamitin ito sa mga bagay na likha lamang ng kanyang mapaglarong isip.

Halimbawa:

Pluto tinaguriang diyos ng impyerno o god of hell. Mars tinaguriang diyos ng digmaan o god of war. Neptuno bilang diyos ng karagatan o god of sea

At marami pang ibang katawagan na nakaturol sa salitang "god" o "diyos". Ang "Allah" ay isang banal na pangalan na kailanman ay di-maaring gamitin sa anupamang bagay sapagkat ang tao bilang alipin ng "Allah" ay nararapat biygan ng mataas na uri ng pag-iingat, papuri at pagdakila ang pangalan ng kanyang panginoon.

2] Pangalawa, ang "Allah" ay walang kasarian (sex) at hindi ito maaring iugnay sa panlalaki o pambabaeng kasarian. Maging ang lahat ng propetang kinikilala ng mga tao ay hindi nagsabi tungkol sa kasarian o anyo ng Tagapaglikhang Diyos. Sa ingles o maging sa tagalog, ang salitang diyos o god ay maaring gamitin sa pambabaeng katawagan. Idagdag mo lamang sa dulo ng god ang salitang "dess", ito ay ganap ng babae sa katagang "goddess". Muli at muli ng tao a nakakagawa ng mga diyos-diyosan sa pamamagitan ng salitang "goddess" o "diyos".

Halimbawa:

Venus goddess of beauty diyosa ng kagandahan. Maria Makiling goddess of the mountain o diyosa ng kabundukan. Diana goddess of wisdom o diyosa ng karunungan.

3] Pangatlo, ang "Allah" ay isang pagpapahiwatig o pagsasaad ng uniko o walang makakatulad at makakapantay na katangian ng isang may ganap na kapangyarihan, karunungan, kagandahan, kaluwalhatian, at katarungan. Ang "Allah" ay nagpapahayag ng mga banal na batas sa pamamagitan ng mga piniling tao na tinatawag nating propeta o sugo. Kalakip ng mga batas na ito, ang "Allah" ay nagpahayag din ng knayang mga katangian upang lubos na makilala ng tao ang Tagapaglikha at magkaroon ng magandang kaisipan tungkol sa kanya. At dahil ang isip ng tao ay may hangganan, mahirap niyang maunawaan ang mga bagay na walang hanggan, kaya ang "Allah" mismo ang kusang nagpahayag sa tao ng kanyang sariling katangian upang ang tao ay hindi magkamali tungkol sa katangiang angkop sa Tagapaglikha at matutunan din ng tao at makilala ang katangian nauukol o angkop lamang sa isang nilikha. Samakatuwi ang katangian ng Tagapaglikha ay IBANG-IBA kaysa sa katangian ng isang NILIKHA. Kapag ang katangian ng Tagapaglikha ("Allah") ay iniugnay at iniangkop sa katangian ng isang nilikha lamang, ang tao ay nagsisimulang gawing diyos ang bagay na nilikha lamang. At ang nilikhang bagay na ito (maging tao, propeta, hayop o halaman) na ginawang diyos ang siyang pinakadiwa at ugat ng idolotriya. Sa iba't ibang relihiyon o kulto ang nilikhang tao o bagay ay ipinagkakamali bilang diyos at kaalinsabay nito ang pagsamba sa mga ito at ganap na pagtalikod o pagkalimot sa tunay na Diyos. Sa kadahilang ito, ang banal na Qur'an ay nagpahayag ng kabuuan at ganap na pagpapaliwanag tungkol sa konsepto o kahulugan ng diyos upang lubos na maiwasto ang lihis na kaisipan ng tao tungkol sa diyos na Tagapaglikha.