ANO ANG IBIG SABIHIN NG SALAF?



Ang ibig sabihin ng “dawah” ay “tawag” sa katotohanan sa
ibat ibang paraan papunta sa Islam para sa ikabubuti sa mga
tao. Kapag sinasabi Salafi dawah, ang ibig sabihin naman
ay dawah sa pamamaraan ng Qur’an at ng Sunnah ng mahal
na propeta ng Dios, Nabi Muhammamd [sallallahu alayhi
wa sallam]. Ang Salafi dawah ay galing sa purong-purong
Qur’an at Sunnah, walang idinagdagdag, walang tinanggal
at walang ano man iniba sa mga sinabi and ginawa ng
propeta Muhammad [sallallahu alayhi wa sallam]. Ito ay
isang tawag sa katotohanan sa Islam katulad sa buhay at
pamamaraan ng propeta Muhammad [sallallahu alayhi wa
sallam], ng kanyang mga sahabat and lahat ng sumunod sa
kanila sa paniwala, sa gawa at sa pagdala ng buhay.

Sabi ni Allah subhana wa ta’ala sa Qur’an: “Kung sino man
ang lumaban o mag iba sa Rasulullah sallallahu alayhi wa
sallam pagkatapos maging klaro ang pahiwatig sa kanya at
ang piniling landas ay iba pa sa mga tunay na naniniwala
{mu’mineen}, iiwanan Natin [We] siya sa kanyang
piniling landas at siya ay pupunta sa impyerno, malagim na
limliman!” [Surah al-Nisaa' 4:115]

Sino ang Salaf ? at sino ang Salafis sa ating panahon?

Ang mga tinatawag na Salaf ay ang mga unang sinunong
Muslim [Pious forefathers] ng Islamic Ummah. Sila ay ang
mga sahabat radi Allahu anhum, yung unang tatlong grupo
ng mga Muslim [tabi’een at tabi’ tabi’een], at yung mga
eskolars sunod sa kanila na sumunod sa Qur’an at Sunnah
sa paniwala at gawa.

Yung iba sa kanila ay si: Imam Abu Hanifah (150 AH),
Al-Awzai (157 AH), Ath-Thawri (161AH), Al Laith ibn
Saad (175 AH _ô), Imam Malik (179 AH), Abdullah ibn
al-Mubarak (181 AH), Sufyan ibn Uyainah (198 AH), Imam
Ash-Shafi'i (204 AH), Ishaq (238 AH), Imam Ahmed bin
Hanbal (241 AH), Al-Bukhari (256 AH), Muslim (261 AH),
Abu Dawood (275 AH) and others Ibn Taymiyyah (728
AH), and his students: Adh-Dhahabi (748 AH), Ibn
al-Qayyim (751 AH), Ibn Katheer (774 AH) at maraming
marami pang iba.

Pagkatapos mawala ang purong Salafi Dawah, si Imaam
Muhaamed bin abdal Wahab [1206 AH] ang bumuhay ulit
ng nito tulad ni Ibn Taymiyyah bago siya.
At sa atin namang panahon ay sila Salman Alodeh, Safar
Alhawaly, Naser Al-Omar at kanilang mga kasamahan, na
karamihan ay kinulong ng Saudi Arabia dahil sa kanilang
pagsasalita galing sa Shari’a, batas ng Islam, na laban sa
gobyerno ng Saudi Arabia.

Marami pang mga tao na ang tawag sa sarili nila ay Salafi
pero ang pinili lang nila paniwalaan ay ang mga pangalan ni
Allah (al asma’ was sifaat), at kinalimutan ang pamamaraan
ng mga Salaf sa paniwala at gawa, sa pagdala ng sarili,
jihad, at kung paano dapat natin tratuhin ang mga kafir,
hipokrit, at makakasalanan na namamahala sa mga Muslims
[na sana ay ibahin ng Allah subhana wa ta’ala sa tamang
daan at sa ikabubuti ng Salafi dawah].

Ang mga Salafis ay yung mga Muslims na gustong
sumunod sa purong Qur’an and Sunnah tulad sa mga unang
sinuno ng Islamic Ummah, ang tawag sa arabik ay
“Ahlus-Sunnah wal Jamaa’a”. Sila ay “Taaifatul-
Mansoorah”, tinulungan na grupo o grupong nagtagumpay,
at “Firqatun-Naajiyyah”, sinalbang grupo, na sinabi ng
rasulullah sallallahu alayhi wa sallam:

“Walang matitira sa aking ummah kundi isang grupo na
galing sa katotohanan at sa mga nagtagumpay. Sila ay hindi
maipasasama ng mga umiwan sa kanila at ng mga lumaban
sa kanila. Sila ay matitira hanggang sila ay lumaban sa
sinungalingan (i.e. the Anti-Christ (Dajjal)." [isinalaysay sa
Sahih Muslim]

“Itong Ummah ay maghihiwalay sa pitumpot tatlong sekta,
pitumpot dalawa ay mapapapunta sa impyerno at isa sa
langit, at ito ang grupo.” [isinalaysay ni Abu Daawood -
Sahih] "

“At itong Ummah ay maghihiwalay sa pitumpot tatlong
sekta na lahat puera sa isa ay pupunta sa impyerno, at sila
ay yung mga ng galing sa kung ano ang paniwala ko at ng
aking sahabat.” [isinalaysay ni at-Tirmidhee - Hasan]