ANO ANG SALAFI?

Ang Salafi ay isang Muslim na sumusonod sa paraan ng pamumuhay ng rasulullah sallallahu alayhi wa sallam at ng unang Muslims ng Islamic Ummah.

Siya ay hindi khawarij, na ang pagtingin sa ibang Muslims ay kafir dahil lamang sa pagkakasala ng ibang Muslim. Siya ay hindi na niniwala sa sektang Shia'a na sinusumpa ang sahabat, na naniniwala na ang Qur'an ay iniba, at na hindi naniniwala sa Sunnah ng rasulullah sallallahu alayhi wa sallam. Siya ay hindi naniniwala sa Qadariyyah na hindi naniniwala sa itinalaga ni Allah.

Siya ay hindi galing sa Mujiah na ang paniwala ay ang Iman, paniwala sa Islam, ay nasa salita lamang at hindi sa gawa.

Siya ay hindi naniniwala sa paniwala ng Asharriyah, na hindi tinatanggap ang deskripsiyon ni Allah subhana wa ta'ala sa kanyang sarili sa loob ng Qur'an. Siya ay hindi paniwala sa paniwala ng mga Sufis na sinasamba ang mga nakalibing na tinuturi nilang santo. Siya ay hindi Muqallidoon, na naniniwala na tayo ay kinakailangan sumunod sa isang madhab (pagtuturo ng isa lamang eskolar) bilang isang Muslim, dahil alam niya na ang madhab ay meron pag-asang magkaiba sa klarong pahiwatig, o kaya batas, ng Qur'an at Hadiths ng rasulullah sallallahu alayhi wa sallam.

Binibigyan niyang tunay na halaga ang paniwala na isa lamang ang Diyos, Tawheed. Ipinag-iisa lamang niya ang pagsasamba kay Allah subhana wa ta'ala, sa kanyang paghingi (dua'a) ng tulong sa oras ng kahirapan at kabutihan, sa kanyang sakripisyo at sa kanyang pagsumpa. Ipinagkakatiwala niya ang lahat kay Allah subhana wa ta'ala, at ang kanyang katotohanan ay base sa sinabi ni Allah subhana wa ta'ala. Itong ganitong pagiisip at gawa-in ang kanyang pinaghihirapan ma abot, at alam niya na hindi ito ma-aabot kung walang tunay na Islam.

Ginagawa niya ang lahat na magagawa niya upang matanggal ang anomaliyang hinalo, Shirk, ng ibang tao sa pagsasamba sa Allah subhana wa ta'ala. Ito ay malaking parte ng Tawheed. Alam niya na ang pagtagumpay sa mga bangsa Muslim ay hindi posible kung walang tawheed. Sumusonod siya sa pamaraan ng lahat ng propeta and ang kanyang ginagaya ay ang rasulullah sallallahu alayhi wa sallam lamang. Habang ginagawa niya ito, linalabanan niya yung mga nagkakalat ng mga anomaliyang and kasinungalingan tungkol kay Allah subhana wa ta'ala at ang ating mahal na propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam.

Siya ay sumusonod sa rasulullah sallallahu alayhi wa sallam, at labas sa ating propeta, ay sa mga sahabat naman. Ang sabi ng rasulullah sallallahu alayhi wa sallam: "Iiwan ko sa inyo ang dalawang bagay at kayo ay hindi mapapabayaan basta hindi kayo bibitaw dito--sila ay ang Libro ni Allah (Qur'an) at ang aking Sunnah." [sinalaysay ni Al- Haakim - Sahih].

Sa oras ng hindi pagkakasundo sa usapan o kaya naman ay sa gawa-in ng mga Muslims, ang binabalikan ng Salafi parati ay ang pahiwatig ng Allah subhana wa ta'ala sa Qur'an at sa gawa-in o buhay ng ating propeta sallallahu alayhi wa sallam. Sabi ni Allah subhana wa ta'ala "Kung kayo ay hindi magkasundo bumalik kayo sa sinabi ni Allah at ng rasulullah, kung kayo ay naniniwala kay Allah at ang Huling Araw, yun ay mas mabuti and mas maganda para sa huling paglilitis." [Surah al-Nisaa' 4:59]

Inu-una niya ang sinabi ni Allah subhana wa ta'ala at ng rasulullah sallallahu alayhi wa sallam kesa sa mga sinabi ng kahit sino man tao.

Binubuhay niya ang pagsunod sa sunnah ng rasulullah sallallahu alayhi wa sallam sa kanyang pagsamba at sa kanyang gawa-in. Dahil dito, siya ay nakakaiba sa mga tao. Sabi ng rasulullah sallallahu alayhi wa sallam "Ang Islam ay nagumpisa na walang katulad (kaiba-iba), at ito ay babalik din bilang isang walang katulad gaya din ng kanyang pagdating. Kaya magbigay ng mabuting tanggap sa mga walang katulad (kaiba-iba)." (sinalaysay ni Muslim- Sahih) Sa isa pang sinabi ng rasulullah sallallahu alayhi wa sallam "Bigyan ng mabuting kasabihan ang mga kaunting tao na nag papakalinis ng kanilang kaluluwa at itinutuwid ang mga anomaliyang ginawa ng tao sa aking sunnah." [al-silsilah ni shaikh al-albani Sahih]Siya ay nagpapakahirap tawagin ang mga tao sa kabutihan (tawheed, todong pagbigay ng loob sa Allah subhana wa ta'ala, at pag-gaya sa rasulullah sallallahu alayhi wa sallam), at nagpipigil o lumalaban sa mga demonyong gawa-in (shirk, sa hindi pagsunod sa sinabi ni Allah at sa pag iwas sa pag gaya sa rasulullah sallallahu alayhi wa sallam).

Nagsasabi siya sa mga tao tungkol sa maling pagdadala o kaya paniwala sa Islam na walang pinagbabasehan sa Qur'an at Sunnah, at tungkol sa masasamang sekta na nagdadala sa mga tao papunta sa maling paniwala at gawa upang para lamang matanggal ang anomaliya at mapilatan ng tawheed.

Siya ay parating humihingi ng kapatawaran kay Allah subhana wa ta'ala, at pag nagkamali ay umi-iwas siya sa mga maling lagay o kaibigan upang hindi ulit mangyari yung kasalanan, ang laman ng kanyang pag-iisip parati ay si Allah at siya ay parating nagmamadali makagawa ng kabutihan para sa ikabubuti ng kanyang puso at kaluluwa.

Ang pagsamba niya sa Allah subhana wa ta'ala ay dahil sa kanyang takot, pag-asa and pagmamahal. Sinabi ni Allah sa Qur'an: "Tumawag sa Kanya kasama ang takot at pag-asa." [Surah A'raaf 7:56]. Sabi ni Allah: "Ang kanilang katawan [limbs] ay hindi nakakaramdam ng kanilang tulogan habang sila ay tumatawag sa kanilang panginoon dahil sa kanilang takot at pag-asa at sila ay nagbibigay galing sa sustensiya binigay Namin [We] sa kanila." [Surah as-Sajdah 32:16]

\par at ang sabi pa ni Allah subhana wa ta'ala: "Pero meron mga tao na sumasamba sa iba pa kesa kay Allah: itinumbas kay Allah. Mahal nila kagaya ng dapat nilang pagmamahal kay Allah. Pero ang mga naniniwala [Mu'mineen] ay nagbabaha ang kanilang pagmamahal kay Allah." [Surah al-Baqarah 2:165].

Ang sinabi ng Salaf: "Kung sino man ang sumasamba kay Allah dahil lamang sa pagmamahal ay Zindeeq (tumiwalag sa Islam), at kung sino man ang sumasamba sa Kanya dahil lamang sa pag-asa ay Murji (isang naniniwala na ang kasalanan ay hindi nakakasama basta merong paniwala sa Allah), at kung sino man ang sumamba sa Kanya dahil lamang sa takot ay Haruri (isa sa mga nag traidor sa sundalo ni Ali radi Allahu anhu at lumaban sa kanya). Pero yung sumamba sa Kanya dahil sa pagmamahal, takot at pag-asa ay isang tunay na Muwahhid (humahawak sa tawheed ni Allah)."

Ang salitang "Salafi" ay HINDI pagsunod o paniwala sa isang Imam lamang. Ang Salafi ay pagsunod lamang sa salita at gawa galing sa ipinahiwatig sa Qur'an at Sunnah, sa pagkaintindi ng mga unang Muslims (as-salaf as-saalih) ng Islamic Ummah. Kaya, sa pagkaintindi nito, ang Muslim ay walang pagpipilian kundi maging Salafi. Kahit hindi natin alam ang ating mararating sa kabilang buhay, sa pagsisikap nating mapatulad sa unang mga Muslim, al-salaf as-saaleh, tayo ay mapapasama sa "Firqatun-Naajiyah", grupong nagtagumpay at sinalba