MGA PINILING TALATA NG BANAL NA QUR'AN NA NAGLALAHAD SA MGA BANAL NA KATANGIAN NG DIYOS

Sa relihiyong Islam, ang pinakamahalagang paniniwala sa isang Diyos ay hindi lamang pananampalataya na Siya ay isa kundi siya ang tanging nagmamay-ari ng lahat ng kapamahalaan. Samakatuwid, siya ang nararapat ibantayog at purihin bilang panginoon ng lahat ng daigdig. Ang Qur'an ay bagbibigay ng walang kapantay na katangian sa Diyos. Walang ganap na salita ang maaaring gamitin sa paglalarawaan sa Diyos sapagkat higit siya sa anumang larawan o katangiang maaaring maisipan ng tao. Tanging aklat lamang na nagmula sa kanya ang maaaring magbigay ng mga magagandang pahayag tungkol sa kanyang mga katangian sa banal na Qur'an matutunghayan natin ang isang magandang bersikulo tungkol sa katangian ng Diyos:

"Siya ang Allah, wala ng ibang diyos maliban sa kanya: Ang tagapamahala, Ang Banal. Ang pinagmumulan ng kapayapaan (at kaganapan). Ang tagpagbantay ng pananampalataya. Ang tagapagpanatili ng kaligtasan, ang mataas sa kapangyarihan, ang hindi mapaglalabanan, ang kataas-taasan. Luwalhati sa kanya! (Mataas siya) Higit sa iniuugnay nila sa kanya. Siya ang Allah, ang tagapaglikha. Ang tagapag-ugma, ang tagapagbigay anyo. Sa kanya ang pagmamay-ari ng magagandang pangalan. Ang lahat ng nasa kalangitan at kalupaan ay naghahayag sa kanyang mga kapurihan at luwalhati: At siya ang dakila sa kapangyarihan , ang matalino." [59:22-24]

"Siya ang Siyang lumikha ng mga kalangitan at ng mundo sa tamang (kasukatan)." [6:73]

"Ipahayag: Sino ang panginoon at tagapanatili ng mga kalangitan at kalupaan? Sabihin: Ang Allah. Ipahayag: Ang Allah ang tagapaglikha ng lahat ng bagay, Siya ay (ganap na) isa, Kataas-taasan, Ang hind mapaglalabanan." [13:16]

"(Itong Qur'an) ay nagpapahayag mula sa kanya, na siyang lumikha ng kalupaan at ng mga kalangitang nasa itaas. Allah, ang mapagpala ay matatag na nasa kanyang trono. Sa kanya ang pagmamay-ari ng anumang nasa kalangitan at ng nasa kalupaan, at ng nasa pagitan ng mga ito, at ng nasa kailaliman ng lupa. Kung inyong ipagbadya ng malakas ag salita. Sa katotohanan, batid Niya kung ano ang lihim at higit na nakakubli. Allah, Wala ng ibang diyos maliban sa kanya. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng pinakamagagandang pangalan." [ 20:4-8]

"Ang inyong panginoon ay ang Allah, na siyang lumikha sa mga kalangitan at kalupaan sa anim na araw. At siya ay nasa mattag na Trono. Siya ang nagpalaganap ng gabi bilang kubli sa araw, kapwa (ang araw at gabi) ay nagsisikhay sa mabilis na pagkakasunuran. Siya ang lumikha sa araw, buwan at bituin (lahat) ay nakasunod sa batas na nakalailalim sa kanyang kautusan. Hindi ba nasa Allah lumikha at magtakda? Luwalhati sa Allah, ang tagapaglingap at tagapanustos ng lahat ng mga daigdig." [7:54]

"Siya ang tagapamahala (ng lahat) ng gawain mula sa kalangitan haggan sa kalupaan. At sa Huli ang hantungan ng lahat ng gawain. Sa araw ha yaon, na ang pagitan ay libong taon ng iyong pagbibilang." [32:5]

"Siya ang Allah, na siyang tagapanatili ng mga kalangitan at ng kalupaan. Kung ang mga tao ay magsispagtigil (sa paggalaw) at kung ang mga ito ay mangalaglag, walang sinoman kahit isa ang makapagpapanatili sa kanila pagkaraan. Katotohanan, Siya ang mapagpaumanhin, laging mapagpatawad." [35:41]

Lahat ng kapangyarihan ay tanging sa Allah lamang at walang makakahati o makakasalo nito maging sa pinakamaliit na antas o bahagi nito. Ang Qur'an ay nagsabi:
Hindi ba ang Allah ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng Hukom?" [95:8]

"Kung ikaw ay dapuan ng karamdaman, walang makapagpapagaling nito maliban sa kanya. Kung ikaw ay bigyan ng kaligayahan, siya ang makapangyarihan sa lahat ng bagay. Siya ang hindi mapaglalabanan. (Siya'y nagmamasid sa kanyang mananampalataya mula sa itaas. Siya ang marunong, nakababatid ng lahat ng bagay." [6:17-18]

"Sabihin: Siya ang Allah na nakakabatid kung gaano sila magtatagal. Sa kanya mga lihim ng mga kalangitan at ng kalupaan. Siya ay malinaw na nakakakita. Siya ay nakaririnig ng mabuti. Sila ay walang tagapagtanggol maliban sa kanya. Siya (ang Allah) walang kasalo sa kanyang kautusan." [18:26-27]

Ang Allah lamang ang nakaksakop ng buong kalikasan. Siya lamang ang may tuwirang nakakaalam ng buong kalawakan. Batid niya ang kinabukasan at ang nakaraan at ang kasalukuyan. Ang Qur'an ay nagsabi:

"Sa kanya ang mga susi ng mga di nakikitang bagay. Ang yaman na walang nakababatid maliban sa kanya. Siya ang nakababatid kung ano ang nasa lupa at karagatan. Walang dahon ang mapipigtal na hindi niya nababatid. Walang isang butil sa kadiliman ng lupa o anumang bagay na sariwa o tuyot ang hindi nakatitik sa maliwanag na talaan." [6:59]